Iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na hindi dapat pinagkakait ang ayuda dahil hindi solusyon ang alisan ng pangkain ang tao para sila ay magpabakuna.
Mungkahi ni Pangilinan, magbigay ng insentibo at huwag magbanta ng parusa para mahikayat ang mamamayan na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Pangilinan, ang pagpapabakuna ay personal na desisyon kaya hindi dapat maging kapalit nito ang ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Diin pa ni Pangilinan na ang rason sa vaccination rate ay hindi dahil ayaw ng mga Pilipino na magpabakuna kundi ang availability ng COVID-19 vaccine at tiwala ng mga tao sa brand nito.
Suhestyon din ni Pangilinan na hayaan ang mga barangay na mangasiwa sa vaccination program dahil mas alam nila ang ng sitwasyon sa kani-kanilang lugar at kilala nila ang kung sino ang mga dapat bakunahan.