Insentibo ng ibang kawani ng gobyerno, isusunod na sa mga guro –PBBM

Isusunod na lamang muna ang service recognition incentives o SRI ng iba pang kawani ng gobyerno.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na taasan ang SRI ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa pangulo, uunahin munang ayusin ang insentibo ng mga guro at isusunod na lamang ang iba, dahil espesyal na kategorya ang mga guro kaya dapat ay prayoridad na matugunan ang kanilang SRI.


Noong nakaraang taon ay nakatanggap ng P20,000 na SRI ang lahat ng kawani ng gobyerno sa executive department.

Kwalipikado rin dito ang mga uniformed personnel at nasa state universities and colleges, government-owned or controlled corporations, na may regular, contractual, o casual positions.

Ang SRI ay ang taunang financial incentive na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang commitment at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Facebook Comments