Insertions sa 2025 National Budget. itinanggi ni Rep. Tiangco

Mariing itinanggi ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang alegasyon ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. na mayroon syang P529 Million na insertions o isiningit sa 2025 National Budget para sa Flood Control Project.

Paliwanag ni Tiangco, hindi sya makakagawa ng insertions sa budget dahil hindi naman sya miyembro ng Bicameral Conference Commmittee kaya ang pwede lang nyang gawin ay magrequest at BICAM ang bahalang magdesisyon.

Ayon kay Tiangco, marapat lang magpatupad ng Flood Control Projects sa Navotas dahil mababa ang lokasyon nito at delikadong bahain.

Sabi ni Tiangco, hindi naman sektreto dahil palagi nyang ipinapahayag sa publiko na hihingi sya ng pondo sa National Government para sa Flood Control Projects na magbibigay proteksyon sa mga kababayan nya sa Navotas.

Paglilinaw ni Tiangco, ang paggawa ng Program of Works at ang pagbibid ng mga projects ay hindi saklaw ng kanyang tanggapan at kahit kelan ay hindi niya pinaki-alaman.

Bunsod nito ay nananawagan si Tiangco kay Congressman Garbin, na huwag ilihis ang isyu mula sa mahigit 13.8 billion pesos na isiningit umano ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa 2025 national budget kung saan ang mahigit 2.2 billion pesos ay para sa BHW partylist.

Facebook Comments