Pasay – Ipinag-utos na ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang pagsasagawa ng mas malawak na manhunt operation laban sa apat na kawatan sa isang hotel sa Pasay.
Ayon kay Albayalde – ito ang kauna-unahang robbery incident na nangyari ngayong taon at hindi niya hahayaang maulit ito.
Pinaiimbestigahan na rin niya ang posibleng partisipasyon ng guwardiya sa insidente na noon ay mag-isa lang naka-duty nang mangyari ang krimen.
Bukod dito, inaalam na rin ng Pasay City Police kung target talaga ng panloloob ang vault ng hotel na ayon sa mga biktima ay hinahanap ng mga suspek.
Maaari kasi silang makabuo ng ibang scenario sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Tinatayang nasa higit isang-milyong piso ang natangay ng mga kawatan mula sa kita ng hotel at mga guest na karamihan ay mga OFW.
Sa ngayon, hindi pa masabi ng pulisya kung miyembro ng professional group ang apat na kawatan.