Insidente ng carnapping sa bansa, bumaba

Bumaba ang insidente ng carnapping sa bansa.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 19 na car theft incidents lang ang naitala nitong Mayo.

56.8% na mas mababa kumpara sa 44 incidents na naitala noong May 2018.


Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – resulta ito ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at ang pinalakas na kampanya ng Highway Patrol Group (HPG) kontra carnapping syndicates sa bansa.

Nananatiling laganap sa Metro Manila ang carnapping na may walong kaso pero mababa na ito mula sa 20 kaso noong nakaraang taon.

Sumunod ang Central Visayas (4 kaso), Central Luzon (3 kaso), Northern Mindanao (2 kaso) at Cordillera at Soccsksargen  na may tig-isang kaso.

Facebook Comments