Insidente ng karahasan sa mga opisyal ng barangay sa Leyte at Zamboanga, hindi pa maiuugnay sa midterm elections

Masyado pang maaga para iugnay sa 2025 midterm elections ang insidente ng karahasan sa mga opisyal ng barangay partikular sa Leyte at Zamboanga.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, hindi pa ma-classify ang mga ito bilang election-related incidents dahil hindi pa naman nagsisimula ang paghahain ng certificate of candidacy at hindi pa election period.

Pero pagtitiyak ni Fajardo sa pamilya ng mga biktima na ginagawa ng pulisya ang lahat para maresolba ang insidente.


Matatandaang patay sa pananambang ang barangay chairman, kagawad at tanod sa Barangay Daja-diot, San Isidro, Leyte nitong Feb 24.

Samantalang patay din dahil sa pamamaril ang isang kapitan sa Barangay Seaside, Zamboanga City noong Feb 25.

Nauna nang sinabi ng pulisya na target nilang mapababa ang ERIs sa susunod na eleksyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments