Nagkaroon din ng insidente ng maling pagturok ng COVID-19 vaccine sa lungsod ng Mandaluyong.
Batay sa ulat ng Mandaluyong City government, noong June 11 pa ngayong taon nangyari ang insidente.
Kung saan kapareho ito sa viral video na isang volunteer nurse sa Makati City ay nagkamali sa pagturok ng babuka.
Sa Mandaluyong, ang pasyente ay nakilalang si Eken Afuang Matsunaga, kung saan naitusok sa kanya ang syringe pero nakalimutan iturok ng nurse ang bakuna laban sa COVID-19.
Samantala, sinabi Dr. Alex Sta. Maria, hepe ng Mandaluyong City Health Office sa isang text message na nai-file na sa Mandaluyong City Disciplinary Committee ang nasabing insidente.
Dagdag pa niya, iniimbistigahan na ang nasakot na nurse at hinihintay na lang nila ang magiging desisyon Disciplinary Committee ng lungsod.
Aniya, rerespetuhin nila kung ano man ang ipapataw na parusa at desisyon ng komite.
Sa ngayon aniya, hindi muna sila magbibigay ang ano mang komento na makaaapekto sa pananaw ng publiko at resulta ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.
Giit niya, ito ay isang isolated case lamang at tiniyak din niya na hindi na ito mauulit sa mga susunod na araw.