Manila, Philippines – Bumaba ang insidente ng pagnanakaw sa bansa.
Batay sa rekord ng Philippine National Police (PNP) mula Enero hanggang nitong nakalipas na buwan ng Oktubre bumaba sa 13, 948 ang kaso ng pagnanakaw.
Mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong mga buwan na umabot sa 18, 259 kaso ng pagnanakaw.
Ayon kay PNP Spokesperson Police chief Supt. Dionardo Carlos, ang pagnanakaw ay pang walong krimen na tinututukan anti-criminality campaign ng PNP.
Batay pa sa datos ng PNP mula October 10 hanggang November 5 ngayong taon, 115 na mga nangyaring nakawan ay kinasasangkutan ng motorcycle riding suspects.
Ang bilang na ito ay mula sa 327 na kaso ng motorcycle riding suspects na naitala sa bansa sa loob ng 26 na araw mula nang pagigtingin ng PNP ang kampanya kontra motorcycle riding in tandem criminals.