INSIDENTE NG PAGKALUNOD SA REGION 1, TARGET MAPABABA SA IWAS PROGRAM

Target mapababa at maiwasan ang insidente ng pagkalunod sa Ilocos Region sa tulong ng ipinatupad na programang Integrated Water Safety (IWAS).

Prayoridad ang mga coastal areas sa rehiyon na madalas makapagtala ng insidente sa mga katubigan.

Sa ilalim ng programa, mabibigyang daan ang pagtatatag ng mga resolusyon at paglulunsad ng kampanya ukol sa kaligtasan sa mga katubigan.

Base sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Ilocos Region, kabuuang 312 na pagkalunod ang naitala simula 2022 hanggang Agosto 2025 kung saan nanguna ang Pangasinan sa bilang 198 at sinusundan ng La Union na may 54 insidente, mga lalawigan na pawang tinukoy na highest-risk sa pagkalunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments