Insidente ng pagpatay na may kinalaman sa eleksyon, nanatiling mababa – PNP

Manila, Philippines – Hindi hamak na mas mataas ang bilang ng insidente ng pagpatay noong election 2016 kumpara ngayong taon para sa gaganaping midterm election.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Depensa ng PNP Chief na kung pagbabatayan ang kanilang datos mula buwan ng Octobre hanggang ngayong Disyembre umaabot lamang sa 23 ang insidente ng pagpatay na may kinalaman sa paparating na midterm election.


Mababa raw ito kung ikukumpara mula January 1 hanggang May 8, 2016 na umabot sa 42 ang insidente ng pagpatay na may kinalaman sa halalan.

Sa kabila naman na nanatiling mababa ang insidente ng pagpatay ngayon kaugnay sa eleksyon hindi naman aniya nagpapaka-kampante ang mga pulis dahil ayon kay Albayalde tuloy-tuloy ang mahigpit na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang gaganaping midterm election.

Huling kaso na iniimbestigahan ngayon ng PNP na posibleng may kinalaman sa eleksyon ay ang pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe at police aide nito.

Facebook Comments