Insidente ng pambobomba na ikinasawi ng halos 80 katao sa Somalia, kinondena

Mariing kinondena ng Pilipinas ang panibagong truck bombing incident sa Somalia na ikinasawi ng halos 80 katao at nasa 120 ang nasugatan.

Sa statement ng Dept. Of Foreign Affairs (DFA), ang Pilipinas ay nakikiisa sa mga international efforts kontra terrorism at extreme violence.

Kinumpirma naman ng embahada ng Pilipinas sa Nairobi na may hurisdiksyon sa Somalia na walang Pilipinong nadamay sa pagsabog.


Matatandaang itinuturo ng Somali government ang East Africa-Based Jihadist Youth Group Al-Shabaab na nasa likod ng insidente.

Facebook Comments