Manila, Philippines – Insidente ng mga pagpatay ng riding in tandem, bumaba.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa kasabay ng kanyang babala na uubusin nila ang mga naka-motorsiklong sangkot sa pagpatay.
Ayon kay Dela Rosa – kinakalap na nila ang record ng pagpatay na isinagawa ng mga riding in tandem.
Pinag-iisipan na rin niya kung kailangang magdeklara ng one-strike policy sa mga opisyal ng PNP na namumuno sa lugar kung saan talamak ang mga nakamotorsiklong suspek.
Matatandaang inilunsad ng PNP ang pinaigting na kampanya kontra motorcycle criminals matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya ang pamumuno ng giyera kontra droga at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Facebook Comments