Tumaas ang insidente ng sunog sa bansa ngayong taon.
Sa datos ng Bureau of fire Protection (BFP) mula January 1 hanggang December 11, 2019, umabot na sa 16,832 ang naitala kumpara sa 15,848 noong 2018.
Pangunahing sanhi ng sunog ay Electical Connections, mga naiiwang upos ng sigarilyo at napabayaang apoy.
Ayon kay BFP Spokesperson, Fire Senior Supt. Geranndie Agonos, patuloy ding pinalalakas ng gobyerno ang capacity at capability ng Fire Rescue at Response.
Paalala ng BFP, dapat mag-ingat para maiwasan ang sunog lalo na ngayong pasko.
Ugaliing maging wais sa pagbili ng mga Christmas Lights at dekorasyon.
Siguraduhin ding may Import Commodity Clearance (ICC) sticker mula sa Dept. of Trade and Industry (DTI).
Facebook Comments