Naniniwala ang Bureau of Fire Protection (BFP) na ang kakulangan sa kaalaman ang dahilan kung bakit tumataas ang insidente ng sunog sa bansa.
Ayon kay BFP spokesperson Col. Analee Atienza, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko kung paano maiiwasan ang sunog sa kanilang komunidad.
Dahil dito, nakatutok aniya ang BFP ngayon sa Fire Safety awareness program sa mga barangay.
Nakikipag-ugnayan na ang BFP sa mga barangay officials, home owners association, at LGU para makibahagi ang mga ito sa kanilang programa.
Kahapon ay sinimulan na ng BFP ang motorcade ng bawat lungsod para sa pagsisimula ng Fire Prevention Month.
Target naman ng BFP na maglunsad ng information drive sa mga malls at roadshow patungkol sa fire prevention.
Facebook Comments