Insidente ng vote-buying ngayong Eleksyon 2022, tumaas!

Tumaas ang bilang ng insidente ng vote-buying ngayong Eleksyon 2022 dahil sa Automated Election System (AES).

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, ginagamit ng mga pulitiko ang kahinaan ng mga kandidato sa pamamagitan ng pagbili ng boto dahil mahirap dayain ang AES na halalan.

Aniya, ito ang naobserbahan ng COMELEC simula pa noong 2010.


Hinimok din ni Laudianco ang mga botante na i-ulat agad ang mga insidente ng vote-buying sa Force Kontra Bigay.

Maaaring ipadala report sa kontrabigay@gmail.com o Konta Bigay Facebook page gayundin sa Office of the Election Officer, Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), at Integrated Bar of the Philippines (IBP) Assistance Desk.

Samantala,iniimbestigahan na Philippine National Police (PNP) ang mga naiulat na insidente ng vote buying ngayong halalan.

Facebook Comments