Inspection teams, ipapakalat sa mga restaurant sa Pasay City

Magdedeploy ang Pasay City Government ng inspection teams upang matiyak kung sumusunod sa health protocols ang restaurants at fast-food establishments sa lungsod.

Ang inspection team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, City Health Office, Business Permit and Licensing Office, at Office of the City Engineer.

Binuo ang inspection teams matapos ang ‘go’ signal ng COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) sa restaurants para magbukas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).


Kabilang sa requirements sa pagbubukas ng restaurants ang pagpapatupad ng social distancing sa mga customer na kumakain sa loob, foot bath na may disinfectant sa pintuan, thermal scanner at alcohol na ilalagay sa kamay bago papasukin ang mga tao.

Kabilang din ang pagdidisinfect ang establishment kada sampung minuto bago magpa-pasok ang susunod na mga customer.

Facebook Comments