Inspector Espenido, iginiit na walang nilabag na batas ng tao at utos ng Diyos matapos mapatay ang 15 katao sa kanilang raid sa bahay ng Parojinog

Manila, Philippines – Nanindigan si Ozamiz Chief of Police, Inspector Jovie Espenido na wala syang nilabag sa batas lalo na ang utos ng Dyos matapos masawi ang 15 katao kabilang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa kanilang ginawang raid sa bahay ng pamilya Parojinog .

Ginawa ni Espenido ang pahayag matapos ang tila paghusga sa kanyang pagiging relihiyoso na nagagawang pumatay ng tao.

Giit ni Espenido nakasaad sa bibliya na bilang isang pulis may otoridad silang pumatay ng kriminal, drug suspect lalo’t kung nanlaban ang mga ito.


Sa ngayon maghihintay lamang daw si Espenido sa bagong instruction para kanyang bagong assignment.

Saang lugar man daw sya maitalaga sa mga susunod na panahon ito ay kagustuhan ng panginoon.

Facebook Comments