Inspeksyon ng BFP City of Ilagan sa mga Gusali, Patuloy Pa Rin!

Cauayan City, Isabela – Nasa pitong daan at pitumpu’t pito na ang mga gusali ang nainspeksyon ng BFP City of Ilagan kumpara noong nakaraang taon na may 644 lamang.

Ito ang ibinahagi ni Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, Fire Marshal ng BFP City of Ilagan sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga, April 11, 2018.

Aniya, sa 2, 600 na bilang ng mga gusali sa lungsod ay layunin umano nilang makapag inspeksyon ng isang libong gusali ngayong first quarter ng taon.


Bukod dito ay plano rin umano nila na magsagawa ng advance inspection sa mga istablisyemento upang hindi na umano sagabal sa kanilang pagpapa-bago ng business permit at lisensya at upang makita na rin ang mga violations, depekto at mabigyan ng rekomendasyon ang kanilang mga gusali.

Ibinahagi rin ni FSI Tabingo na mas marami ang naisyuhan ng certificate for business permit ngayong taon sa lungsod ng Ilagan na may mahigit kumulang na dalawang libo, siyam naman sa Certificate of Occupancy at dalawampu’t tatlong barangay naman para sa kanilang barangay ugnayan at nasa 1, 247, 783 pesos naman ang kanilang fire code collection.

Dagdag pa ni FSI Tabingo, magkakaroon na rin umano ng Typical Fire Station ang City of Ilagan na magkakahalaga ng sampung milyong piso kung saan ay kaya na nitong mag okupa ng apat hanggang limang fire trucks kumpara sa mga municipal fire station na dalawa lamang ang okupado nitong fire trucks.

Facebook Comments