Inspeksyon para sa malalaki at maliit na bagahe sa MRT-3, inihiwalay na

Photo Courtesy: DOTr MRT-3

Sinimulan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang magkahiwalay o segregation ng mga pasaherong may dalang maliliit at malalaking bag sa baggage inspection areas sa mga istasyon ng tren.

Layon nito na mapadali ang inspection sa mga pasaherong may dalang malaking bag na dadaan sa baggage x-ray machines.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagde-deploy ng MRT-3 ng mga security marshals upang gumabay sa mga pasahero sa kanilang pagsakay sa tren.


Mahigpit pa ring ipinatutupad ang “7 Commandments” sa loob ng mga tren upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Facebook Comments