INSPEKSYON SA BAGONG ISOLATION FACILITY PARA SA MGA MAY SINTOMAS NG COVID-19, ISINAGAWA SA BAYAN NG LINGAYEN

Isinagawa ang inspeksyon sa isang bagong Isolation facility sa bayan ng Lingayen.

Pinangunahan ang inspeksyong ito ng mga matataas na kawani LGU Lingayen sa itinalagang bagong isolation facility school ang Lingayen I Central School na matatagpuan sa Brgy. Maniboc.

Ayon sa video message ng bise-alkalde ng bayan na si VM Judy Vargas, nilinaw nitong hindi umano gagamitin ang paaralang pasilidad na ito bilang alternate sa hospital na paglalagyan ng mga tested positive patients bagkus gagamitin lamang ito para paglagyan ng mga may sintomas ng COVID-19 o yung mga suspected cases patients habang hinihintay pa ang resulta ng kanilang test.


Sisiguraduhin umano nila ang seguridad sa lugar at mahigpit na pag-iingat upang hindi makaapekto sa mga residenteng naninirahan malapit sa naturang isolation.

Patuloy naman ang pakiusap ng LGU sa kanilang mga nasasakupan upang hindi na muling lumobo ang kaso ng sakit sa bayan.

Facebook Comments