Ikinasa ang serye ng inspeksyon sa mga babuyan sa Bangar, La Union kasabay ng pakikipagdayalogo sa mga may-ari.
Layunin nitong mapaalalahanan ang mga farm owners sa pagtalima sa mga regulasyon upang mapangalagaan nang wasto ang kabuhayan nang hindi nakakaapekto sa mga karatig na kabahayan.
Binigyang-diin din ng Municipal Agriculture Office at Environment and Natural Resources Unit na bibigyan ng karampatang notice of violation ang mga lalabag.
Magpapatuloy naman ang regular inspeksyon upang tiyakin nang pagsunod sa public health standards bilang Malaki rin na bahagi sa food security ang ginagampanan ng mga babuyan.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy din ang pag-iikot ng mga tanggapan sa mga sari-sari store at iba pang establisyimento sa mga barangay para paigtingin ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







