Mahigpit ang pagsasagawang inspeksyon sa mga bentahan ng shellfish sa bayan ng Mangaldan dahilan ang nangyayaring red tide sa ilang bahagi ng bansa.
Binabantayan ng Market Division at Municipal Agriculture Office ang mga nagbebenta ng produktong tahong. Hinahanapan umano ang mga tahong vendors ng auxiliary invoice at may monitoring din kung naipapatupad ba ang programang Bantay Presyo.
Matumal ang bentahan ng tahong dahil nagtaas ito ng presyo na nasa P100 ang kada kilo.
Ayon sa inilabas na report sa Shellfish Bulletin No. 01 Series of 2023, lumawak pa ang mga lugar na apektado ng red tide toxins. Hindi maaaring kumain ng mga tahong, talaba at alimango na galing sa mga baybaying apektado ng red tide.
Samantala, kaugnay nito ang pagsasagawa ng water test ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1 lalo na sa bayan ng Bolinao at Anda na dating nagpositibo sa red tide toxins. |ifmnews
Facebook Comments