INSPEKSYON SA MGA BUMABYAHENG SASAKYAN, PINAIGTING NG LTO REGION 1

Pinaigting ng Land Transportation Office Regional Office 1 ang mga isinasagawang roadside inspections sa buong rehiyon.

Ayon sa LTO Region 1, layunin ng ahensya ang mas pinaigting at sistematikong inspeksyon sa kalsada upang matiyak ang kahandaan ng mga sasakyan at kaligtasan ng mga pasahero.

Saklaw ng inspeksyon ang parehong pribado at pampublikong sasakyan kung saan sinusuri ang kondisyon ng makina, kalidad ng gulong, ilaw, usok mula sa tambutso, at bisa ng rehistro. Ang mga lalabag ay bibigyan ng citation o angkop na parusa alinsunod sa umiiral na batas.

Bukod sa roadworthiness checks, mahigpit ding ipinatutupad ng ahensya ang batas laban sa overloading, illegal modification ng sasakyan, at pagmamaneho ng walang lisensya.

Hinihikayat ng ahensya ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin bilang pag-iingat sa buhay ng bawat Isa sa kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments