*Santiago City- *Patuloy pa rin ang mahigpit na inspeksyon ng City Business Permit and Licensing Office ng Santiago hinggil sa mga kaukulang dokumento ng mga firecracker vendors ngayong nalalapit na bagong taon.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Melita Bayawa, Licensing Officer 1 ng naturang tanggapan kung saan ay nasa dalawampu’t limang firecracker vendors na ang nakakuha ng special permit para magbenta ng mga paputok sa Lungsod ng Santiago.
Mayroon din aniyang iisang pwesto ang inilaan ng LGU Santiago City para sa mga magtitinda ng paputok na matatagpuan sa fourlanes ng Santiago.
Samantala, mahigpit namang ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit sa mga paputok gaya ng watusi, piccolo, super lolo, big triangulo, big thunder, pillbox, boga, judas belt, kwitis, good bye philippines at iba pang mga malalakas na uri ng paputok.
Panawagan naman ni ginang Bayawa na umiwas na lamang sa paggamit ng mga paputok upang makaiwas sa anumang insidente at pag-ibayuhin ang pag-iingat sa pagsalubong sa bagong taon.