INSPEKSYON SA MGA KANAL AT KALSADA SA DAGUPAN CITY, ISINAGAWA PARA SA PAG-UPGRADE SA MGA ITO

Ininspeksyon na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang mga kanal at kalsada sa lungsod para sa pag-upgrade at sa pagsasaayos sa mga ito.
Kahapon, unang araw ng Marso, isinagawa ng LGU kasama ang Department of Public Works and Highways Region 1 ang inspeksyon sa mga kakalsadahan at kanal sa lungsod partikular sa mga lugar ng Arellano St. mula sa BPI hanggang Region 1 Medical Center, AB Fernandez sa BPI hanggang Quintos bridge, MH Del Pilar St. at Brgy. Tambac sa bahagi ng Jollibee hanggang Old SSS Building kung saan madalas nagkakaroon ng pagbaha tuwing may ulan o kaya naman kung mataas ang naka schedule na hightide.
Ayon sa alkalde ng Lungsod na si Belen Fernandez, ito umano ang request ng LGU sa DPWH Region 1 para magkaroon na ng kasagutan ang problema sa lugar na lubhang apektado ng baha.

Samantala, ayon kay DPWH Regional Office I at CEO Engr. Josephine Corpuz, ngayong 2023 umano ang target na implementasyon ng naturang mga proyekto upang agad na magkaroon ng kaginhawaan ang mga residente at mga sasakyang dumadaan sa mga lugar na nabanggit. |ifmnews
Facebook Comments