Mahigpit na ipapatupad ngayon sa Dagupan City ang inspeksyon sa mga ibinibenta at ipinapasok na karne ng manok sa lungsod upang makaiwas sa double dead o botchang karne ng manok.
Layunin umano ng mahigpit na inspeksyon sa mga karne ay upang makaiwas sa mga botchang karne ng manok dahil may mga natatanggap umanong ulat ang awtoridad na may mga namamatay na manok dahil sa init ng panahon.
Isinasagawa ang inspeksyong ito upang walang maipuslit o maipasok na patay na manok na ibebenta sa mga pamilihan sa lungsod upang makaiwas din sa mga posibleng sakit na makukuha dito.
Sinabi ni Acting Dagupan City Veterinarian, Dr. Paulo Garcia, lahat umano ng mga ipinapasok sa pamilihan na karne ay may permit ngunit kung ang karne ng patay na hayop ay dinala sa slaughterhouse ay hindi na rin aniya ito bibigyan ng permit.
Samantala, mahigpit ding binabantayan o nagiging alerto ang mga tindera sa mga idinideliver na karne maging ang mga mamimili dahil may mga pagkakataon umano na may halong botcha ito.
Sa ngayon, matumal ang bentahan ng karne ng manok kung saan nasa P170-180 ang kada kilo nito ngayon.

Facebook Comments