CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng inspeksyon ang DSWD Field Office 2 sa ilalim ng kanilang Risk Resiliency Program.
Ito ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng Proyektong Local Adaptation to Water Access (LAWA) sa Maddela, Quirino.
Ang naturang proyekto ay may layuning masiguro na sapat ang tubig ng isang komunidad sa pamamagitan nang pag-sasaayos ng mga small farm reservoirs.
Bukod dito, mayroong 1,650 tilapia fingerlings ang kasalukuyang inaalagaan ng nasabing bayan upang mapaunlad ang industriya ng aquaculture sa kanilang lugar.
Facebook Comments