INSPEKULASYON LANG | Malacañang – tiwalang maipapasa ang 2019 budget sa bicam bago matapos ang taon

Manila, Philippines – Ispekulasyon lang ayon sa Malacañang ang umano ay posibilidad na hindi maipasa ang P3.757 trillion na proposed 2019 national budget sa kongreso bago matapos ang taon.

Matatandaang nito lang Martes nang naipasa ng Kamara ang budget at sabi ng ilang Senador, gipit na sila sa oras para sa deliberasyon nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – malabong mauwi sa re-enacted budget ang pondo.


Trabaho aniya ng kongreso na ipasa ang budget at nakikipag-usap na ang liason officer ng malacañang para matiyak na maihahabol ito bago matapos ang 2018.

Dumistansya naman ang malacañang sa naging pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya na may mga “very unsual” belated request daw si Pangulong Duterte kaya na-delay ang pagpasa ng budget sa Kamara.

Naniniwala din daw siya na walang pork barrel sa 2019 budget.

Facebook Comments