INSPIRASYON | Ginawang kabayanihan ng world war veterans nagsisilbing gabay pa rin ng AFP upang tuparin ang kanilang tungkulin depensahan ang bansa

Manila, Philippines – Nanatili sa isip at puso ng hanay ng mga sundalo ang ginawang kabayanihan ng mga beterano sa mga nakalipas na world war kaya patuloy nilang pinoprotekhan ang publiko at idinedepensa ang teritoryo ng bansa laban sa mga mananakop.

Ayon kay Armed Forces of the Philippine Public Affairs office Chief Lieutenant Colonel Emmanuel Garcia bilang paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw inaalala ng AFP ang mga sakripisyo, katapangan at pagmamahal sa bayan ng mga beterano para lamang depensahan ang bansa noong nagaganap ang pagdaigdigang gyera o world war.

Sinasaluduhan rin ng AFP ang mga magigiting ng mga sundalo ngayon dahil buong tapang na nilalabanan ang grupo ng mga terorista sa bansa at pinipigilan ang iba pang mga karahasan.


Dagdag pa ni Garcia na dahil sa mga kabayanihan ng mga beterano at mga kasalukuyang sundalo ay naipapakita ng mga Pilipino ang pagiging determinado na manatiling matatag sa kabilang mga pagsubok.

Facebook Comments