Manila, Philippines – Isang inspirasyon para kay Senate President Koko Pimentel ang pagkakasundo ng North at South Korea kahit pa nasa state of war na ang mga ito.
Ayon kay Pimentel, katulad ng NoKor at SoKor ay tiyak na maaayos din ang gusot at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.
Para naman kay Senator Nancy Binay, napatunayan sa pagkakasundo ng NoKor at SoKor na palaging andyan ang oportunidad para mag-usap at magkabati ang dalawang bansang may problema sa isa’t-isa.
Paliwanag ni Binay, kung nagsara man ng pinto ng ugnayan ng dalawang bansa ay kailangang humanap lang ng ibang paraan ang mga kinauukulang ahensya o mga opisyal para maibalik ng linya ng komunikasyon.
Facebook Comments