Inspirational video ni Manny Pacquiao, ikinatuwa ng publiko

Umulan ng mga papuri at paghanga mula sa mga netizens ang isang video ni ibinahagi ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa kanyang official social media account.

Mapapanood sa kanyang Instagram account na ikinukuwento niya ang mga pinagdaanan noon bago makamit ang magandang buhay na tinatamasa. Para kay Pacquiao, alam niya ang pakiramdam ng kinakapos kaya naging panata nila ng asawang si Jinkee ang tumulong sa mga mahihirap.

“I remember what it was like to have nothing, to wonder when my next meal would be. Jinkee and I have always felt like it was our duty and have done our best to give back. But we want to do even more. We want to build more homes, build hospitals, provide scholarships and expand our efforts into other countries”, pahayag ng People’s Champ.


Humihingi din siya ng tulong at suporta sa iba’t-ibang sektor ng lipunan para matugunan ang ibang pangangailangan ng mga kapus-palad sa pamamagitan ng foundation na binuo nilang mag-asawa.

Panoorin ang kabuuan ng Manny Pacquiao Foundation video na mayroong 400,000 views sa kasalukuyan:

 

Facebook Comments