Inspiring post ng isang estudyanteng may ‘Alopecia’, trending!

“Hindi hadlang ang kapansanan para di makapagtapos ng pag-aaral”.

‘Yan ang inspirational message ng graduating Marketing student mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Patricia Apuli Branzuela na mayroon kakaibang kondisyon sa ulo. Ang kanyang sakit ay tinatawag na ‘alopecia’ o pagkalagas ng buhok.

Ayon kay Patricia, palagi siyang pinagtatawanan at kinukutya dahil sa kanyang pisikal na histura. Ngunit, hindi ito naging hadlang sa dalaga, bagkus mas lalo siyang nagsumikap upang matupad ang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo. Isa sa kanyang biggest accomplishment ay pagiging CHED scholar.


Taos-puso ang pasasalamat ni Patricia sa kanyang magulang at mga kaibigan na kahit kailan hindi siya iniwan.

Samantala, maraming mga netizens ang naantig sa kanyang kuwento at umabot na sa 39,000 likes at 12,000 shares ang Facebook post ni Patricia.

Facebook Comments