Instagram influencer, natagpuang patay sa loob ng suitcase sa kaniyang apartment

Instagram/ Ekatrina Karaglanova

Isang Instagram influencer ang natagpuang patay sa loob ng suitcase sa isang apartment.

Kinilala ang biktima na si Ekaterina Karaglanova, 24 taong gulang, isang social media personality at medical school graduate mula sa Moscow, Russia.

Nakatakdang lumipad si Karaglanova papuntang Netherlands upang ipagdiwang ang kaniyang ika-25 na kaarawan nang ilang araw na hindi siya matawagan ng mga magulang.


https://www.instagram.com/p/ButhqXWhmUw/

Matapos ang paghahanap, nakita ang walang buhay na katawan ni Karaglanova sa loob ng kaniyang condo unit nitong Biyernes, Hulyo 26.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, nakita sa CCTV ang isang lalaking naka-sumbrero at shorts na pumasok sa kaniyang building.

Matapos ang apat na oras, lumabas ang lalaki na may dalang silver na suitcase na hinihinalang dito nilagay ang kaniyang mga duguan na damit.

Walang namang nakita na armas na ginamit sa krimen ngunit hinihinala na selos ng nobyo ang motibo sa pagkamatay nito.

Naitala namang may limang saksak ng kutsilyo ang biktima sa leeg at dibdib.

Kilala si Karaglanova na luxurious Instagram travel blogger sa mga napuntahang lugar tulad ng Italy, Austria at Spain.

Kamakailan din ay nakapagtapos siya ng medical school na may specialization na dermatology.

Facebook Comments