Instagram photo ng pagbubuntis ni Kylie Padilla, hinangaan ng mga netizens

Showbiz – Ibinahagi ng nagdadalang-taong si Kylie Padilla sa social media ang kanyang litrato kung saan makikita ang kanyang stretch marks.

Sa kanyang post sa Instagram hindi niya in-edit ang photo dahil proud siya sa mga pekas sa katawan dulot ng kanyang ika-38 linggong pagbubuntis.

Nakakuha naman ng positibong komento si Kylie sa mga netizens.


Isang baby boy ang magiging anak nila ng kanyang fiancé na si Aljur Abrenica.

Normal lang sa buntis na magkaroon ng stretch mark sa tiyan at waistline area dahil habang lu­malaki ang bata sa loob ng tiyan ay nababanat ang balat.

Facebook Comments