INSTALLATION NG CCTV CAMERAS, ILULUNSAD SA BRGY. DISTRICT 3, CAUAYAN CITY

Cauayan City – Palalakasin ng pamunuan ng Brgy. District 3 ang monitoring sa sitwasyon sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga CCTV Cameras.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Captain Lorenzo Mangantulao, isa ito sa naiisip nilang paraan upang masugpo ang mga naitatalang mga krimen katulad na lamang ng pagnanakaw sa kanilang lugar.

Aniya, 16 na 360 degree CCTV Cameras ang nakatakdang ikabit sa mga estratehikong lokasyon sa kanilang nasasakupan.


Sinabi nito na talagang pinaglaanan nila ng P600,000 na budget ang lahat ng equipments na kakailanganin para sa pagkakabit ng nabanggit na Camera.

Positibo naman ang kapitan na malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang naitatalang krimen sa kanilang lugar dahil bukod sa patrolling ng mga barangay Police ay magkakaroon na rin ng record ang kanilang pamunuan sa mga nangyayari sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments