Installment-only practice ng mga car dealer, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ni House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. sa Kamara ang installment-only practice ng mga car dealer.

Sa naturang scheme ay inaalis ang opsyon ng mga mamimili na mabayaran kaagad ang binibiling sasakyan or kombinasyon ng cash at installment.

Sa inihain na house resolution 1058 ay hiniling ni Dionisio sa House Committee on Trade and Industry na magsagawa ng imbestigasyon.


Giit ni Dionisio, ang nabanggit na gawain ng mga car dealer ay paglabag sa Administrative Order na inilabas ng Department of Trade and Industry.

Facebook Comments