Inihain ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill no. 1473 o Three-Gives Law na naglalayong mapagaan ang pagbahayad sa electric, water and telephone bills habang nasa state of calamity ang bansa.
Nakapaloob sa panukala ni Tolentino ang tatlong beses na hulog sa naipong utility bills habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa COVID-19 at sa mga mangyayaring kalamidad at emergency situation sa hinaharap.
Diin ni Tolentino, malaki ang maitutulong ng “3-gives” sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 lalo na ang mga nawalan ng hanap-buhay at pagkakakitaan.
Una ring ipinag-utos ng gobyerno ang moratorium sa pagbabayad ng utility bills kasabay ng pagsailalim sa ECQ ng buong Luzon.
Pero dahil unti-unti nang niluluwagan ang quarantine sa ilang mga lugar, ay unti-unti na rin dumarating ang mga bayarin tulad ng Meralco.