Institutional amendments sa 2019 budget, pinasasapubliko ni Senator Lacson

Manila, Philippines – Hinamon ni Senator Panfilo Ping Lacson ang mga Senador at Kongresista na tularan ang ginawa niyang pagsasapubliko ng mga isinulong niyang institutional amendments sa 2019 national budget.

Diin ni Lacson, dapat walang itinatago sa publiko at klaro ang mga detalye ng paglalaanan ng pambansang gastusin ng pamahalaan.

Si Lacson ay nauna nang naglathala sa kanyang social media accounts ng mga isinulong nyang institutional amendments na kinabibilangan ng dagdag-pondo para sa mga programa ng dept of education, Department of Environment and Natural Resources at sa panig ng hudikatura.


Kabilang din ang pondo ng Veterans Memorial Medical Center sa mga pinataaasan ni Lacson.

Pinalaanan din ni Lacson ng sapat na salapi ang bagong infantry division na itatalaga sa Basilan-Sulu-Tawi-tawi area upang mas mapaigting ang pagtugis sa mga terorista.

Paliwanag ni Lacson, walang dapat ipag-alala ang mamamayan sa mga institutional ammendments dahil mismong ahensya ang humiling dito.

Facebook Comments