Institutional Registration sa libu-libong Empleyado ng PLGU Isabela, Sinimulan na

Cauayan City, Isabela- Inaprubahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela ang hiling ni Governor Rodito Albano III na magsagawa ng Institutional Registration sa higit 3,000 empleyado ng kapitolyo para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Una rito, nagsagawa ng orientation ang ahensya sa lahat ng Department Heads ng Provincial Government ng Isabela ngayong araw, July 5, 2021.

Ayon kay Statistical Specialist Cristilou Geronimo ng PSA Isabela, mandato ng ahensya na magpatupad ng ganitong uri ng hakbang sa ilalim ng Republic Act No. 11055, o mas kilala bilang “Philippine Identification System Act” upang makapag-establish ng hiwalay na national identification system sa lahat ng Pilipino at residente ng bansa.


Una na ring nagsagawa ng registration process sa ilang kilalang mall sa Isabela sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU at pribadong kumpanya kasunod ng mahigpit na pagtitiyak sa minimum public health standards.

Ayon pa kay Geronimo, naglatag ang kanilang ahensya ng tatlong (3) registration kits sa kapitolyo na maaaring ma-accommodate ang 45 registrants sa loob ng isang araw mula sa 1,343 permanent employees kasama ang health workers at administrative personnel at 1,811 contractual employees.

Samantala, binigyang diin ni Geronimo ang kahalagahan ng PhilSys bilang isang valid proof of identity.

Sinabi rin niya na sa PhilSys, ang mga katransaksyon sa parehong pribado at pampubliko ay magiging simple, ligtas at mahusay sa pamamagitan ng iisang pagkakakilanlan na magbibigay ng access sa financial, social protection, health, education at iba pang government services.

Facebook Comments