Institutionalization ng fuel subsidy program, muling inihirit sa Senado

Muling ipinanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian na isabatas na ang fuel subsidy program ng pamahalaan.

Ang apela ng senador ay kasunod ng panibago nanamang big-time oil price hike nito lamang Martes.

Ayon kay Gatchalian, kung mayroon na sanang batas para sa mga ayuda ng mga tsuper at operators ng Public Utility Vehicles o PUVs ay hindi na sana mahihirapan ang mga ito mula sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.


Dahil dito, hiniling ng senador ang agad na pagpapatibay sa Senate Bill 384 o ang institutionalization ng Pantawid Pasada Program.

Sa oras na maging batas, kapag ang average price ng Dubai crude sa tatlong magkakasunod na buwan ay katumbas o higit pa sa $80 sa kada bariles ay agad namang magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa ilalim ng panukala ay inoobliga ang paggamit ng digital payment systems sa pamamahagi ng subsidiya gayundin ang pagpapataw ng parusa o multa laban sa mga opisyal ng gobyerno na bigong makapagbigay sa oras ng kinakailangang tulong sa mga apektadong tsuper at operators.

Facebook Comments