Instruction sa paggawa ng bomba – narekober sa Oplan Galugad ng PNP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig

Manila, Philippines – Na-recover ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office ang isang notebook na naglalaman ng instruction sa paggawa ng bomba sa “oplan galugad” sa kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Nabatid na nakuha ang notebook sa kulungan ng isang suspected Abu Sayyaf member.

Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde – biglaan ang naging pagsalakay ng kanilang mga tauhan hanggang sa loob ng mga selda.


Maliban sa nasabing notebook, may nakumpiska ring 19 na cellphone units, cables, mga gunting at drug paraphernalia.

Aabot sa 300 tauhan ng PNP ang idineploy sa lugar sa kabuuan ng nasabing aktibidad.
DZXL558

Facebook Comments