Manila, Philippines – Mahigit 200-libong unit ng tablet at personal computer ang nakatakdang i-distribute ng Department of Education (DepEd) sa ibat-ibang eskwelahan para sa senior high school sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, gagamitin ang mga tablet bilang instructional materials at para gawing mas ‘interactive’ ang pag-aaral ng mga estudyante.
Sinabi ng kalihim na mayroon nang pinirmahang kasunduan ang DILG at DepEd para matiyak na hindi mawawala at kayang bantayan ng pambansang pulisya ang mga tablet computers.
Ang DepEd computerization program ay naglalayong bigyan ng makabagong ICT equipment ang mga mag-aaral bilang tugon sa mga hamon ng 21st century.
Facebook Comments