Insufficiency in substance ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, inaasahan na ng Malacañang

116

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat pa ng Palayo ng Malacañang ang pagdedeklara ng kamara na insufficient in substance ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernie Abella matagal na nilang sinasabi na puro luma na o rehash na ang mga inaakusa kay Pangulong Duterte at ito ay para maliitin ang gobyerno sa ilalim ng bagong administrasyon.


Tiniyak din naman ni Abella na hindi nakikialam si Pangulong Duterte sa proseso ng Kamara sa impeachment dahil iginagalang nito ang hiwalay at pantay na sangay ng pamahalaan.

Ayon naman ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na matagal na niyang sinasabi na hindi aandar ang impeachment laban sa Pangulo at ito aniya ay para lamang dumihan ang magandang reputasyon ni Pangulong Duterte at para magpasikat lamang ang mga nagsampa ng reklamo.

Facebook Comments