Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para talakayin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo na istupido ang Diyos.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishio Broderick Pabillo, isang pag-insulto at pambabastos ang banat ng Pangulo ukol sa Diyos at sa istorya ng bibliya.
Naniniwala naman ni Pabillo na ang kritisismo ni Duterte sa simbahan ay diversionary tactics lamang para pagtakpan ang kahinaan ng kanyang administrasyon.
Paliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal ang pahayag ng Pangulo at may sarili itong spirituality.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na minolestya siya noon ng isang pari sa Ateneo de Davao.
Facebook Comments