INSULTO | Dagdag na P200 sa kada buwang sahod ng mga manggagawa, maituturing na limos at insulto lang – ayon sa isang kongresista

Manila, Philippines – Tinawag na insulto ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang panukala ng Department of Labor and Employment na dagdag na P200 kada buwan sa sweldo ng mga manggagawa.

Ayon kay Casilao, malaking insulto ito sa mga manggagawa na nagpapakahirap at nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho kumita lamang ng sapat para sa pamilya.

Giit ng kongresista, maituturing na limos ang panukalang P200 na dagdag sa buwanang sahod ng mga manggagawa dahil papatak lamang ng P7 kada araw ang nasabing umento.


Aniya, walang katuturan ito dahil hindi rin makakatulong sa arawang gastos ng isang mahirap na pamilya ang kakapiranggot na dagdag sa sweldo.

Batay aniya sa Ibon Foundation, simula dapat noong March 2018 ang family living wage para sa pamilya na may anim na myembro ay nasa P1,168 na malayo sa kasalukuyang P512 na minimum wage sa NCR.

Dahil dito, hinimok ni Casilao ang mga manggagawa na tanggihan ang aniya’y ‘non-sense’ na P200 na dagdag sa sahod kada buwan at igiit ang P750 kada araw na national minimum wage para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Facebook Comments