INSULTO | Pahayag ni UN High Commissioner Zeid Ra’ad Al-Hussein kay P-Duterte, pinalagan

Manila, Philippines – Pumalag ang Malacañang sa pahayag ni United Nations High Commissioner Zeid Ra’ad Al-Hussein na magpatingin sa psychiatrist si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inilabas ni Al-Hussein ang pahayag bilang pagtutol sa war on drugs ng pamahalaan at sa banta ng Pangulong sasampalin si UN Special Rapporteur Agnes Callamard.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, insulto para sa Pilipinas bilang isang demokratikong bansa ang ginagawang komento ni Al-Hussein.


Hindi rin aniya nauunawaan ni Al-Hussein ang sitwasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinalal ng taumbayan dahil isa siyang prinsipe ng bansang Jordan.

Facebook Comments