Ipinag-utos ng Insurance Commission (IC) sa lahat ng mga Health Maintenance Organization (HMOS) na isama sa medical coverage sa mga Human Immunodeficiency Virus (HIV) positive at suspected patients.
Sa ilalim ng circular letter number 2019-30 na nilagdaan ni IC Commissioner Dennis Funa noong Hunyo 21 na base sa section 42 ng Republic Act 11166 o Philippine Hiv and Aids Policy Act na dapat ay masiguro na mabibigyan ng benepisyo ang lahat ng mga positibo sa HIV at maging ang pinaghihinalaang pa lamang.
Ipinagbabawal ng batas ang pagtanggi na mabigyan ng serbisyong-medikal, pagtaas ng premium ang mga gagamit ng medical coverage.
Pinapayagan naman ng IC ang mga HMOs na sumailalim muna sa HIV test ang mga gustong kumuha ng hmo pero dapat panatilihin itong konpidensyal.
Base sa datos ng Department Of Health (DOH) aabot sa 38 bagong kaso ng HIV positive ang naitatala araw-araw.