Insurance ng mga opisyal ng barangay sa Maynila, aprubado na

27

Inaprubahan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Php 7.5 million na pondo para sa accident insurance para sa mga barangay opisyal kagaya ng mga sumusunod: punong barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay,lider ng Sangguniang Kabataan, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa at mga miyembro ng Barangay Tanod Brigade.

Paliwanag ng alkalde na bawat barangay official ay may accidental death compensation na nagkakahalaga ng Php 150,000, medical reimbursement na Php 15,000 at burial assistance na Php 10,000.


Nilinaw naman ni Moreno na ang insurance provision ay alinsunod sa tinatakda ng Resolution No. 1, 2021, ng Manila Peace and Order Council at ayon na rin sa umiiral na 2020 – 2022 Manila Peace and Order and Public Safety Plan.

Facebook Comments