INSURHENSIYA SA BANSA, POSIBLENG MATAPOS SA HULING BUWAN SA PWESTO NG PANGULONG DUTERTE- NICA-2

Cauayan City, Isabela- Naniniwala si Regional Director Flor Olet ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay matatapos na rin ang problema ng insurhensiya sa bansa.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay RD Olet, malaki na aniya ang ipinagbago ng insurgency situation sa bansa dahil sa mga magkakasunod na accomplishments ng gobyerno.

Umaasa ito na sa natitirang mga buwan na termino ng Pangulong Duterte ay matatapos na ang insurhensiya sa bansa.

Kung kaya’t patuloy aniya ang kanilang pagbibigay paliwanag sa taumbayan katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa mga ginagawang panlilinlang ng mga makakaliwang grupo.

Malaking tulong din ani Olet ang NTF-ELCAC sa paghina at pagbuwag sa pwersa ng mga makakaliwang pangkat at sa layong matuldukan na ang insurgency problem sa bansa.

Ayon pa kay RD Olet, importante na magkaroon ng tamang kaalaman ang mamamayan upang hindi malinlang ng mga nagpapanggap na human rights defender o ng mga makakaliwang grupo.

Kailangan lamang aniya na magtulungan ang bawat Pilipino para makamit ang tunay na kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments