"Insurhensiya sa Bansa, Tapos na sana"- JPE

13

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni dating Senador Juan Ponce Enrile na tapos na sana ang insurhensiya sa bansa kung hindi pinakawalan ang mga nakakulong na mga lider ng Komunistang Grupo noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ito ang binigyang diin ni dating Defense Secretary at Senador Enrile sa panayam ng iFM Cauayan kaugnay sa pagkakatanggal ng ‘Anti-Subversion Act’ noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Cory Aquino.


Matatandaan na hindi na maituturing na krimen ang ‘subversion’ matapos ipawalang-bisa ni Aquino ang unang ipinalabas na Presidential Decree ni dating Pangulong Marcos laban sa mga rebeldeng grupo.

Dahil dito, nabalewala umano ang mga hakbangin ng rehimeng Marcos na wakasan noon pa ang insurhensiya sa bansa.

Facebook Comments